Kapatid Lyrics - A Tau Gamma Phi Triskelion Grand Fraternity Song by Pareng Elbiz | Ghettorocks | Monci | Henz | Sur Henyo| Khen Magat | Terno | Nice Lupin
https://www.youtube.com/watch?v=fHzsn3bvuyw
ELBIZ
Naranasan mo na ba na parang
Tumalikod ang mundo
Mga nakapaligid sayo
Gusto kang durugin ng buo
Mga matang mapanghusga
Sayong pagiging totoo
Pakirabdam mo para bang sa buhay
Gusto mo ng magtampo
Ngunit may bubulong sayo
Kapatid itaas ang noo
Wag kang magpadala sa mga yan
Nandito kami kakampi mo
Aakayin ka't sasamahan sa mga
Panahong ika'y bigo
Magkakapatid ang turingan
Di man tayo magkakadugo
GHETTOROCKS
Kami ang Triskelion mula noon
Hanggang ngayon
Lumpias man ang panahon
matibay pa din ang pundasyon
Merong nabaon at nakulong
Ang iba ay nakahon
Muli bumangon at umahon
Mas tumibay pa kahapon
Etong simpleng hamon
Sa lahat ng PHI
Wag tayo magbago
Abante na lang, wag tayo sumuko
Harapin ang balakid
Wag sana magtago
Tuparin ang hangarin natin
Mga kapatid
Na tayou makatulong
Itaas ang kamay saludo
Sa bawat yapak
Ng atin sa pasulong
**************
CHORUS ELBIZ
Lumipas man ang panahon
Di ko malilimutan
Ang ating samahang higit
Pa sa magkaibigan
Kapatid
Tayo at magkapatid
Sa kapatirang hinirang
Na dakila
Tau Gamma Phi
***********
MONCI
Edad man nati'y magdagdag
Saan man tayo mapadpad
Dala dala na ang mga
Ala-alang inyong naiambag
Sa pagkatao kong hinubog ng
Samahang di mapantayan
Ng anuman bagay sa mundo
O anuman karangyaan
Nakaukit na sa'king puso
Bitbit na hanggang sa dulo
Mga leksyon na naituro
Pagmamalasakit na puro
Ng mga kapatid na maging
Sino ka man di kinewestyon
Anumang mangyari, tayo ay
Magkapatid na Triskelion
HENZ
Ako'y kabilang sa kilalang
Kapatirang may bilang
At di lang, subok na din ang tapang
Mula sa bagong silang
Naging mahina din ako
Dumating sa puntong bumagsak
Ngunit pinilit kong umahon
Mula sa'king pagkalagpak
Gano man kalayo ay tatahakin
Kahit na nakayapak
Sa daan ng kumunoy mga
Bubog man mo malubak
Mag-iiwang ng tatak bawat
Tagumpay na misyon
Tungo sa ganap na pagbabago
Mabuhay ang Trskelion
Dahil Kahit
REPEAT CHORUS ELBIZ
SUR HENYO
Ilang taon na rin ang lumipas
At nagdaan
Hanggang ngayon nandon
Pa rin ang isip sa
Samahan
Ako ma'y madalang ng pumasok
Sa bahay nating tambayan
Siguradong may panahong
Ika'y muli kong tatagayan
Ang ugnayan nati'y tila mas
Higit sa kaibigan
Na dikit, tayo'y magakakapatid
Na di mabilang
Kahit saan makarating aking,
Ipagmamalaking
Ako'y bahagi ng mahal
Na kapatiran
KHEN MAGAT
Maging si Khen Magat na
Galing F. Francisco Chapter
Mula Pasay Malibay at
Kinilalang brod at rapper
Mga bigay sa'king "BLANK"
Di bastang kinalimutan
Bagkus mag lalo long
Sinabuhay, Iningatan
Taas kamay lahat
Aribba Tau Gamma!
Dugong nananalaytay
Walang kapantay na pakikisama
Tuloy sa pakikibaka
Di magbabago san man ang daka
Mananatili kaming kapatid mula
Simula hanggang tumanda pa
REPEAT CHORUS ELBIZ
NICE LUPIN
Kami'y higit pa sa kaibigan
Ang turingan
Di man magakakadugo, walang
Humpay ang tutulangan
Sa kapatiran na ito
Nagsimula na mabuo
Kumpyansa sa sarili at
Pagbigay serbisyo
Di lang naman kami
Magaling sa salita
Tinutugma rin namin,
Inaayon sa gawa
Ang kapatiran ay supremo
saludo sa lahat ng brod
Mula noon hanggang ngayon
Gabay ang tenet at ang 6 trads
TERNO
Pakamay muna sa isa,
Kapatid ko sa ibang in
Kapatirang kinabilangan
Sa iba ay ibang iba
Ngayo'y limangpung taon na
Ating binilang
At lalong dumadami bilang
Ng mga pambihirang
Katulad natin na hinirang
Nanakapasa sa mga palo
Kaya ni isang lampa
Wala satin na nakahalo
Bawat aral nasa puso
At sa ulo 'gang sa dulo
At bawat Triskelion sa buong
Mundo, ako'y saludo
REPEAT CHORUS ELBIZ